Dahil sa bagong PNP chief, ‘di na mapanraraket ang bigtime gambling lord
ni Chit Luna - @Yari Ka! | May 11, 2021
Mistulang nalagasan ng balahibo ang isang gambling lord na nangapital sa pag-aakalang makapagluluklok siya ng mataas na posisyon sa Pambansang Pulisya na dapat sana’y magbibigay-katiyakan na hindi masasaling ang kanyang mga ilegal na operasyon.
Tulad niya, mistula ring basang-sisiw ang heneral na kanyang isinusulong dahil sa pag-upo ng bagong PNP deputy director general, tiyak na magiging limitado ang pagkakalat niya ng lagim na siyang sumisira sa imahe ng kapulisan.
Unahin nating balatan ang ‘gambling lord’. Bumuno na siya ng ilang taon sa kulungan bunsod ng hatol ng husgado sa kasong kanyang kinasangkutan noon. Bukod sa jueteng na matagal nang raket, mayroon ding online sabong na siyang patok ngayon.
Samantala, kamakailan ay nasangkot sa alitan ang nasabing gambling lord laban sa malaking pamilya. Ang siste, ang puno’t dulo ng kanilang hindi pagkakaunawaan ay ang agawan ng balwarte.
Pinapasok daw ng nasabing ‘gambling lord’ maging ang mga teritoryo kung saan mayroon pasugal sa negosyo.
Masyadong matagal magbitaw ng pera ang ‘gambling lord’, kaya hindi na naisama ang pangalan ng naturang heneral sa talaan ng nominado na isinumite.
Anyare sa perang binitawan? Ano pa nga ba… eh, ‘di sunog na.





Comments