top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Dahil sa babae… CHITO, NANGINIG SA TAKOT NU'NG IIWAN NA NI NERI

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 28, 2023
2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | February 28, 2023




Kaya naman pala madalas na pagpapakilig ang mga posts ni Chito Miranda para sa asawang si Neri Naig ay may dahilan ang singer.


Naging guest ni Bernadette Sembrano sa kanyang YouTube channel ang mag-asawa kamakailan.


Ang paliwanag ni Chito kay Miss B, pakiramdam kasi niya ay hindi niya deserve na maging mister ng dating aktres.


Ani Chito, "There's a constant feeling for me that I don't deserve her. Look at her, look at me.


She's beyond my reach. Parang maganda rin 'yung feeling na ano, eh, you don't deserve your wife so you have to make sure na kumbaga, para hindi matanggal 'yung helmet niya. Kasi naa-appreciate niya, eh."


Hindi raw sa negative aspect, kundi para mas patunayan kung gaano niya kamahal si Neri.


Aprub naman kay Neri ang ginagawa ng mister at aminadong kinikilig siya araw-araw sa asawa.


Aniya, hindi lang sa social media sweet si Chito kundi mas lalo niya itong nararamdaman sa kung paano siya alagaan at pahalagahan nito.


Naikuwento rin ng wais na misis na muntik na niyang hiwalayan si Chito dahil sa lifestyle nito noon.


Dahil isang rakista si Chito, maraming kababaihan ang nakakasama ng kanilang banda na Parokya ni Edgar.


Nag-eempake na raw siya ng gamit at pauwi na sa bahay nila sa Subic ay ang kantang Halaga ng Parokya ni Edgar pa rin ang kanyang pinakikinggan.


Aniya, "Chito, I won't ask you to change. Baka may tamang girl for you, naniniwala akong may tamang guy for me."


Subalit isang oras pa lang daw halos ang lumipas ay umuwi agad si Chito at nanginginig na yumakap sa kanya.


Mula raw noon ay talaga namang ipinaramdam na ni Chito kung gaano kahalaga sa kanya si Neri at tuluyang binago ang lifestyle sa kabila ng patuloy pa rin niyang pagbabanda.


Taong 2014 nang ikinasal sina Neri at Chito.


Sa ngayon, isa nang matagumpay na businesswoman si Neri na labis na hinahangaan ng marami dahil sa kanyang kakaibang sipag at diskarte sa pagnenegosyo.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page