top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dahil lang kina Ipe at James… KRIS, MAY SAKIT NA, INAWAY PA SI CRISTY FERMIN SA PHONE

BULGAR
Jul 9, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 9, 2022




May latest medical update tungkol kay Kris Aquino na kasalukuyang nagpapagamot sa Houston, Texas, USA.


Bukod sa nagka-COVID silang mag-iina (Kris, Joshua at Bimby), nahirapan din daw ang mga espesyalistang doktor sa Houston, Texas na tuklasin ang ugat ng kanyang sakit.


Hindi raw kakayanin sa ospital sa Houston na pagalingin si Kris Aquino.


Kaya, napagdesisyunan ng kanyang pamilya na ilipat na si Kris sa ibang ospital sa USA at ang inaasikaso ngayon ng pamilya ni Kris ay humanap ng mapaglilipatang ospital na may magagaling na doktor na kayang gumamot ng kanyang sakit.


Well, habang nag-aalala ang pamilya ni Kris Aquino kung paano siya ipagagamot at pagagalingin, heto naman si Kris na may panahon pa para mag-text at komprontahin ang veteran host-columnist na si Cristy Fermin tungkol sa komento nito tungkol sa mga tatay nina Joshua at Bimby na sina Phillip Salvador at James Yap.


Hindi naman masama ang intensiyon ni Cristy Fermin sa kanyang pagbibigay ng payo at opinion tungkol sa relasyon nina Joshua at Bimby sa kani-kanilang ama. Minasama lang talaga ito ni Kris.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page