Dahil kay Ogie… MICHAEL V., JOIN SA IT'S SHOWTIME
- BULGAR
- Aug 20, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | August 20, 2023

Historic ngang matatawag na makita si Michael V. (Bitoy) sa It's Showtime, dahil since day one na naging Kapuso si Bitoy, sobrang loyal ito sa network niya.
Pero dahil nga sa mga collabs at special na birthday ni Pareng Ogie Alcasid, nanorpresa si Bitoy, at sinamahan pa ni Manilyn Reynes kahapon (August 19).
Masaya silang tingnan sa iisang stage with Showtime family led by Meme Vice Ganda.
Bongga rin ang mga birthday messages nila kay Ogie at feel mo talagang deka-dekada na silang magkakaibigan/magkukumpare't kumare.
Kumanta at sumayaw ang dalawang Kapuso guests na kitang-kita ang aliw sa mga taga-Showtime.
Happy birthday, Pareng Ogie!





Comments