top of page

Dahil kay Julia… ALDEN, TULUYAN NANG NAKAWALA KAY MAINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 19, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 19, 2023




May ‘dating’ at impact ang teaser ng Five Break-Ups and a Romance na pinagtatambalan nina Julia Montes at Alden Richards.


Nakakadala ang kanilang mga eksenang nagsusumbatan at kitang-kita na may chemistry sila as screen partners.


Sa guesting ni Julia sa Fast Talk with Boy Abunda ay tinanong din niya ang sarili kung bakit sa dinami-rami ng magagandang artista ngayon ay siya ang pinili ni Alden na makatambal.


Thankful si Julia kay Alden para sa oportunidad na magkasama sila sa isang project.


Napakabait at gentleman daw nito kaya komportable sila sa kanilang mga eksena.


Hindi niya akalain na tatanggapin ang kanilang tambalan sa Five Break-Ups and a Romance.

Maging ang mga fans and supporters ni Alden ay nagandahan sa trailer ng nasabing pelikula.


Well, at least, tanggap na ng mga loyal fans ni Alden ang mga ipinapareha sa kanyang mga artista. Hindi na siya nakakulong sa anino ng dating tambalan nila ni Maine Mendoza.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page