top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dahil kay Guanzon…TWITTER NI RUFFA, LIMITED NA ANG PUWEDENG MAG-COMMENT

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 16, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | July 16, 2022




Nakaka-access pa rin kami sa Twitter ni Ruffa Gutierrez. Hindi kami kasama sa mga hindi na makapasok sa kanyang Twitter account dahil ginawa niyang private. Ginawa ito ni Ruffa after ng isyu nila ni Rowena Guanzon.


Ngayon, bago mabasa ang tweet ni Ruffa, kailangan munang mag-request sa kanya, eh, marami pa namang balita sa kanya.


Gaya na lang nang ibinalita nitong nakatanggap siya ng two new offers at iba pang good news. Kaya pagkatapos ng Maid in Malacañang na showing sa August 3, may mga kasunod pang movies si Ruffa.


Samantala, aliw ang part na narinig namin sa interview ni Ruffa with Dra. Vicki Belo na nabanggit na engaged na raw ang ex niyang si Yilmaz Bektas. Baka raw pinagseselos lang siya nito.


Nabanggit din ni Ruffa na may relasyon siyang nagtagal nang seven years, pero binitin ni Dra. Vicki ang sagot ni Ruffa sa kanyang tanong kung sino ang new relationship niya.


Mapapakinggan ang interview sa vlog ni Dra. Vicki.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page