top of page

Dahil kay Bernadette… YORME, NATUPAD ANG DREAM NA MAKASAKAY NG EROPLANO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 21, 2022
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | December 21, 2022




Tinupad ni Bernadette Sembrano ang pangarap ni Aaron Sunga a.k.a. Yorme na makasakay sa eroplano.


Sa kanyang bagong vlog, matapos kumustahin ni Miss B si Yorme ay isinama niya ito sa isang field trip para matupad ang pangarap nitong makasakay sa eroplano. Hindi maitago ang kasiyahan ng bagets at pagkamangha nang lumipad na ang eroplanong kanilang sinasakyan.


Sa Roxas City sila pumunta para lang kumain at bumalik din sa Maynila sakay ulit ng eroplano.


Sa pagkakaalam ni Yorme ay pupunta lang sila sa NAIA para tumingin lang ng eroplano.


Sa tulong ng pilotong si Capt. Joy Roa, natupad ang pangarap niya na makasakay ng eroplano.


Marami namang netizens ang natuwa nang makita ang reaksiyon ni Yorme.


"Naiyak ako sa tuwa para kay Yorme. Thanks, Ms. B and the Roas for making Yorme’s first plane ride come true."


"Sobrang ngiti rin ako para kay Yorme... napakabuti ni Ms. Berns sa pagtupad ng simpleng pangarap ni Yorme na makasakay sa plane."


"You’ve made one child’s dream a reality. I was smiling throughout the vlog brought by the joy of watching Yorme so genuinely happy. Such innocence!"


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page