Dahil daw sa sakit sa atay… IKINALAT NG ‘GMA NEWS’ NA PATAY NA SI MICHAEL V., FAKE!

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 19, 2021

Nilinaw ng GMA Network na hindi sa kanila galing ang fake news na namang kumakalat ngayon na yumao na si Michael V.
Ipinost ng Kapuso Network sa kanilang Twitter account last Wednesday night (Feb. 17) ang statement kalakip ang original post ng GMA News fake account na nagsasabing pumanaw na si Bitoy sa edad na 51 dahil sa sakit sa atay.
“GMA News wishes to clarify that it did not produce a post saying that Michael V. has died.
“Links of the post, which may be spreading on social media and messaging apps, make unauthorized use of the logo of GMA News.
“We also ask people to refrain from sharing the post, which we have reported to social media platforms. We urge people to follow our official account @GMANews on social media channels for the latest news and updates,” ang nilalaman ng full statement ng GMA.
Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na naging biktima si Bitoy ng death hoax. Last July, 2020 ay napabalita ring yumao na ang magaling na singer-songwriter-comedian dahil daw sa COVID-19 virus.
As we all know, isa si Bitoy sa mga nagpositibo sa deadly virus noong nakaraang taon at isa rin siya sa mapapalad na nakaligtas dito.





Comments