Dahil daw sa 6 na anak n’yo, Oyo… KRISTINE, ‘DI MAKABALIK-SERYE KAHIT GUSTUNG-GUSTO NA
- BULGAR

- Oct 1
- 2 min read
ni Rohn Romulo @Run Wild | October 1, 2025

Photo: Kristine Hermosa-Sotto - IG
Sa edad na 42 at may anim na anak, parang hindi pa rin nagbabago ang kagandahan ni Kristine Hermosa-Sotto.
At sa tuwing may survey, kasama palagi siya sa listahan ng pinakamagagandang aktres sa Pilipinas at palagi siyang nagta-top, habang kasama rin si Marian Rivera-Dantes (41) na may dalawang anak naman.
Kaya naman inamin ni Kristine, “Nape-pressure na ako, kasi tumatanda na ako. Parang bawal tumanda, bawal magka-wrinkles. Pero I’m really flattered, thank God for that,” dagdag pa niya nang makatsikahan namin after ng ribbon cutting sa grand opening ng Skinlandia branch sa McKinley Hill na pag-aari ng GMA actress na si Jess Martinez.
Si Kristine ang special guest sa opening ng bonggang Skinlandia branch. Dahil magkaibigan sina Shyr Valdez at Dina Bonnevie (na bumuo ng House of D YouTube show) na mother-in-law ni Kristine, napapayag siyang mag-cut ng ribbon.
At dahil napapanood si Kristine sa House of D (HOD) kasama si Oyo, mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris at siyempre, si Ms. D, marami ang nag-aabang kung kailan naman siya papayagan ni Oyo na magbalik-teleserye.
“Actually, wala naman po talagang problema kay Oyo,” sagot niya.
Paliwanag niya, “Sa totoo lang, gusto ko talaga, nami-miss ko rin po talaga. Except for the demands sa isang teleserye. May 6 akong anak, may asawa ako, so ‘di na s’ya ‘yung katulad ng dati na puwede nila akong tawagin in the middle of the night, puwede nila akong hatakin dahil may kailangang i-shoot, things like that. So, hindi ko ‘yun mako-commit talaga.”
Hirit pa ni Kristine, “Pero kung mayroong sitcom, okay naman, kasi medyo magaan ang trabaho. Katulad nitong House of D, ang sarap ng feeling, na-miss ko na mag-ayos ng hair at mag-make-up. Nakaka-miss talaga, s’yempre I grew up doing this.”
Well, kailan kaya magbabalik-showbiz ang diyosang si Kristine Hermosa?
Samantala, si Shyr Valdez pala ang naka-discover kay Jess Martinez kung kaya’t magkasama na sila sa Artist Circle management ni Rams David.
Ayon naman sa mommy ni Jess na si Jessieden Ali Martinez, wala raw silang ibang choice kundi si Kristine Hermosa na totoo namang ultimate symbol of glow and beauty.
Kuwento ni Jess, “Doon naman po sa si Ms. Kristine na s’ya lang ang only choice, kasi for me, I believe hindi lang po physically beautiful si Ms. Kristine but she radiates so much positive energy. And I watched one episode of House of D, the first episode, sobrang family-oriented din po s’ya. And then, naka-center talaga si God sa buhay n’ya kaya I believe it’s also why she’s beautiful po.”
Reaksiyon naman ni Jess na si Kristine ang naging special guest sa ribbon cutting ng Skinlandia second branch, “Oo nga po, nagulat nga po ako. Nanginginig nga po ako ngayon, ang lamig po ng kamay ko. Katabi lang po kita (Kristine) ngayon ay isang karangalan na po. Sobrang saya ko po, sobra.”
Ang first branch ng Skinlandia na pag-aari ni Noreen Divina (founder at CEO ng Skinlandia at Nailandia kasama ang husband na si Juncynth Divina) ay matatagpuan sa basement ng SM Fairview.
Ilan sa mga naging shows ni Jess sa GMA ay ang Abot-Kamay Na Pangarap (AKNP) ni Jillian Ward at Sanggang Dikit FR (SDFR) nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.








Comments