Dahil bossing na sa AllTV… SIGAW NI RANDY: BABAE, ISTORBO LANG SA BUHAY NI WILLIE
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 27, 2022

Pansamantalang nananahimik ang mundo ngayon ni Willie Revillame. Abalang-abala kasi siya ngayon sa pag-aasikaso ng programming ng AllTV Channel 2.
May time table ang kanilang mga shows na ilo-launch. Pinaplano at inilalatag pa lamang sa pamunuan ng AllTV 2 ang mga programa. Nakikipag-negotiate pa lang sila sa mga artistang kukunin at ikokontrata para sa mga shows ng AllTV. Dito ngayon nakatutok ang atensiyon ni Willie.
Sa isang workaholic na tulad niya na halos hindi na nagpapahinga, wala siyang panahon para sa kanyang love life. Sabi nga ng BFF ni Revillame na si Randy Santiago, magiging distraction lang para kay Willie ang pagkakaroon ng karelasyon.
Ang prayoridad kasi ni Revillame ngayon ay ang AllTV Channel 2. Sa kanya ipinagkatiwala ni Manny Villar ang pamamahala sa network. At malaking challenge ito sa kanyang kakayahan.
Well, si Willie Revillame ang klase ng taong hindi basta sumusuko gaano man kahirap ang kanyang pagdaraanan. At hindi siya nauubusan ng ideya kung paano magugustuhan ng mga viewers ang isang programa.
Bagama't nagsisimula pa lang umarangkada ang AllTV, tinitiyak niyang kakayanin nilang tapatan ang mga shows ng ibang networks.





Comments