Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | June 30, 2026

Photo: File
Magkakaroon ng magkakaibang galaw sa presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong Martes.
Sa press briefing ni Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin, sinabi nito na maaaring bumaba ng 10 sentimos kada litro ang presyo ng gasolina, ngunit posible ring tumaas ito nang hanggang P1.90 kada litro.
Samantala, ang presyo ng diesel ay maaaring magkaroon ng rollback na P1.16 kada litro, o kaya naman ay tumaas nang hanggang 84 sentimos kada litro.
Posible ring bumaba ng 78 sentimos kada litro ang presyo ng kerosene, ngunit maaari rin itong tumaas nang hanggang P1.22 kada litro.
Ayon kay Garin, nagpapakita ang kasalukuyang galaw ng merkado na unti-unti nang humuhupa ang pabagu-bagong presyo ng langis.





Comments