top of page
BULGARY - JULIA, ‘DI TOTOONG BUNTIS, BALIK-SERYE-IG _montesjulia08.jpg

Dae Joo nasilo ang Stage 11, Pinoy Quita Mountain King

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 2 min read

ni Elyssa Nichole @Sports | May 11, 2026



Hawak ni Ronnilan Quita ang  Individual Mountain Classification (KOM) (7RP) sa pagtatapos ng Stage 11 MPTC Tour of Luzon 2026 kahapon.      (mptcpix)

Photo: Hawak ni Ronnilan Quita ang Individual Mountain Classification (KOM) (7RP) sa pagtatapos ng Stage 11 MPTC Tour of Luzon 2026 kahapon. (mptcpix)


 

San Juan, La Union - Kahit tirik na tirik ang araw ay hindi ito naging dahilan para manghina si defending champion Korean rider Dae Yeong Joo kaya naman nasilo nito ang panalo sa Stage 11 kahapon sa MPTC Tour of Luzon 2026 na nagsimula sa Candon City Arena at nagtapos sa San Juan Town Hall dito.


Inirehistro ni 29-year-old Joo, pambato ng Gapyeong Cycling Team ang tiyempong tatlong oras, 19 na minuto at 16 na segundo sa 151.7 km distance race sa event na suportado ng Metro Pacific Tollways Corp., Manny V. Pangilinan Group of Companies at Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni chairman Patrick "Pato" Gregorio.


Mag-isang tumawid sa finish line si Joo, bumaba ito sa kanyang bisikleta at saka yumuko at hinawi ang kanyang kamay pababa hudyat ng pasasalamat sa mga Filipino fans na nanood ng live.


Muling sumakay sa bisikleta niya at saka nakipag-high five habang dumadaan sa harapan ng mga manonood.


Dumating na segundo si Saniy Syahmi Mohd Safiee ng Malaysian National Team, (3:19,27) habang pangatlong tumawid sa meta si Ovt. Dominic Perez (3:19:28) ng Pangasinan.


Dumating na pang 52nd place si Russian cyclist Nikita Shulchenko ng LCW UAE Cycling Team pero mananatili sa kanya ang pagsuot ng yellow jersey ngayong araw paglarga ng 146.40 kms Stage 12 Agoo - Mangatarem.


Nakalikom si Shulchenko ng 32 oras, 57 minuto at 30 segundo sapat upang upuan ang top spot sa Individual General Classification, pangalawa ang teammate nitong si Syrian rider Ibrahiem Yousef Alrefai, tatlong minuto at 41 segundo ang hinahabol nitong oras.

Naka-puwesto sa tersero si Stage 10 Candon City - Bessang Pass ruler Antoine Huby ng 7Eleven Cliqq Roadbike Philippines, naghahabol ito ng tatlong minuto at 54 segundo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page