top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Daang libo ang kita IVANA, NAGLABA AT NAGLINIS NG BAHAY, VLOG PUMATOK, NAKABILI NG DREAM HOUSE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 28, 2022
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 28, 2022




Very proud ang sexy vlogger-actress na si Ivana Alawi dahil naibigay na niya ang dream house para sa ina at kapatid na si Mona.


Sa kuha nilang larawan na background ang nasabing dream house ay kasama ni Ivana ang tatlo niyang kapatid na sina Hans, Mona, Amira at anak nito with their mom, Fatima.


Ayon kay Ivana, ang ipinagawang bahay ay mula sa kinita niya sa pagba-vlog, na ang tantiya at kalkulasyon ng mga netizens ay nasa 5 to 6 digits.


Komento ng ilang mukhang naiinggit na netizens…


"Nakakasawa. Nakakaumay na ‘yung mga ganitong pakita ng kabutihan sa mga vlogs na giving back. Inggit na mararamdaman ng iba o suya na! Para saan ba itong mga ganitong broadcast?


To inspire? To flaunt? For content? Nonsense content!"


"May kuryente pa ang bakod. Dapat, sa kulungan lang ‘yan."


"Nagsimula lang ‘yung vlog niya sa paglalaba at paglilinis ng kuwarto. Pumatok. Nagkabahay."


May pumuri naman sa sexy actress, "Ang bait naman ni Ivana. Dream ko rin ‘yan sa parents ko."


"Ang laki talaga ng kita sa YouTube. Kahit ‘di kasingsikat niya ay nagkakabahay din."


"Mayaman na talaga sila kahit noon pa. ‘Yung bunso nila, sikat na child star noon."


Pagkontra naman ng isa, "Tama na ‘yang press release na mayaman si Ivana. Nag-promo girl pa nga ‘yan dati."


"Kung mayaman na sila noon pa, bakit nakalagay sa caption, ngayon lang nagka-own house ‘yung mama. Not being nega pero inconsistent ‘yung comment mo."


"‘Di mayaman si Ivana, anak-mayaman lang. Sinundan ni Ivana ang nanay niya sa ‘Pinas, wala na siyang support na nakuha kaya nagraket-raket sila."


"Her subscribers are now 15 MILLION. Grabe lang, fastest to reach 10 million, by the way, Pinoy vlogger with less number of videos."


"Nu’ng una, okay pa vid niya kahit naglalaba pa siya na halos hubad na, kaso ngayon, prank na lang ginagawa niya. ‘Di pa ba nakakatunog ang pamilya niya if pina-prank na sila ni Ivana?


Parang ‘di na totoo ang content niya."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page