top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Curry, humataw sa last 2 minutes kontra Bucks

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 13, 2023
2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | March 13, 2023




Kulang ang 48 minuto kapag nagharap ang huling dalawang kampeon ng NBA at nanaig ang World Champion Golden State Warriors sa 2021 champion Milwaukee Bucks sa overtime, 125-116, kahapon sa Chase Center. Walang nakapigil kay Stephen Curry na humataw sa last 2 minutes ng 4th quarter at buong overtime upang angatin ang kartada ng Warriors sa 35-33 at pang-anim sa Western Conference.


Kahit komportableng lamang ang Milwaukee, 108-100, ipinasok ni Curry ang huling 11 puntos ng Golden State kasama ang three-points na nagtakda ng overtime na may 19 segundong nalalabi, 111-111. Sa overtime ay patuloy niyang binuhay ang Warriors at tinuldukan ang laro ng isang shoot na sinundan ng dalawang free throw upang masigurado ang resulta na may 30 segundo sa orasan.


Nagtapos si Curry na may 36 puntos mula sa anim na tres habang 22 puntos si Klay Thompson. Malaking tulong din si dating Bucks Donte DiVincenzo na pumukol din ng anim na tres patungo sa 20 puntos at 10 rebound.


Patuloy ang pagliban ni Giannis Antetokounmpo dahil pilay ang kamay. Naglabas ng balanseng opensa ang Bucks at pito sa siyam na ginamit na manlalaro ay nagsumite ng 10 o higit na puntos sa pangunguna nina Brook Lopez at Khris Middleton na parehong


Numero uno pa rin sa buong NBA ang Milwaukee subalit lumiit ang agwat nila sa humahabol na Boston Celtics na nagwagi sa Atlanta Hawks, 134-125. Double-double si Jayson Tatum na 34 puntos at 15 rebound at umakyat ang Celtics sa 47-21 kumpara sa 48-19 Milwaukee.


Tabla pa rin ang Sacramento Kings at Memphis Grizzlies sa mahigpit na karera para sa pangalawang puwesto ng West sa 40-26 sa likod ng namamayaning Denver Nuggets na 46-21.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page