Crush daw ni Jason… MELAI, PINAGSELOSAN SI IVANA
- BULGAR

- Jul 23
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 23, 2025
Photo: Jason, Ivana at Melai Cantiveros-Francisco - FB
Sa Facebook (FB) page post ng Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros ay nagbahagi siya ng larawan niya, kasama ang asawang si Jason Francisco at ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi.
Inamin ni Melai sa post niya na pinagselosan niya noon si Ivana.
Saad ni Melai sa post niya ay “Sa wakas, nakita na rin ni Papang ang kanyang crush na si Ivana @ivanaalawi (heart eyes & grinning face emoji) and talagang confirm, kaya crush ni Papang si Ivana, kasi kamukha ko siya, sa panaginip ko (balloon, sleeping face, grinning & hugging emoji). Hahaha! Char lang (grinning emoji)! Pinagselosan ko lang noon, kamukha ko na ngayon, char lang ulit (hugging, rolling on the floor, laughing, grinning and blue heart emoji). Thank you, Ivana, very guwapa and buutan (mabait). Vlog tayo soon pohon (kung loloobin ng Diyos).”
Maganda naman din si Melai, ‘di ba? Itanong n’yo pa kay Jason.
Sabi nga sa kasabihan, “Beauty is in the eye of the beholder.”
‘Yun lang and I thank you.
SA social media post ng multi-talented comedian at TV host na si Vice Ganda ay nagbahagi siya ng larawan kasama ang kanyang mother dearest na si Madam Rosario Viceral.
Makikita sa larawan na bukod sa kanilang mag-ina ay may kasama pa silang tatlo, na mukhang malapit din kay Vice at sabay-sabay na naliligo sa ulan.
Kapansin-pansin ang saya sa mukha ni Vice habang naliligo sa ulan.
Sey ni Vice, “Gumising nang maaga para magtrabaho. Malakas ang ulan.
“Naisip ko ‘yung mga araw na naglalaro ako sa ulan. Ang saya nu’ng mga araw na ‘yun. Napaisip ako kung ano’ng gusto ko sa sandaling ‘yun.
“Bumangon ako pero ‘di ako dumiretso sa trabaho. Pumunta ako sa bahay ng nanay ko at inaya ko s’yang maligo sa ulan.
“Napakasaya, ‘di matatawaran. Sa oras na ‘to, gusto ko lang makasama ang nanay ko at bumalik sa pagkabata. Ang sarap. Bukas may trabaho pa ko pero ‘di ko alam kung bukas, uulan pa.
“‘Di rin ako sigurado kung makakapaglaro pa ko sa ulan kasama ang nanay ko. Kaya ngayon na, ngayon na.”
Dagdag pa ni Vice, “#Eto ang totoong priceless.”
Bongga ka d’yan, Vice, sa ginawa mong pagpapahalaga sa iyong mother dearest. Kaya hindi naman nakapagtataka na blessed si Unkabogable Star Vice Ganda.
Oh, mga bagets, bigyang-halaga ang mga ina. Sabi nga ni Hope Edelman, “No one in your life will ever love you as your mother does. There is no love as pure, unconditional and strong as a mother’s love.”
Pak, ganern!
SURE si yours truly, na kung nabubuhay lang ang Superstar at National Artist of the Philippines for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor (RIP) ay isa siya sa masayang nanood ng Family Feud last Monday, July 21, 2025.
Nag-guest bilang contestant ang apo ni Nora at ng multi-awarded actor na si Christopher De Leon sa FF na si Jaden Kristoff De Leon, anak nina Ian De Leon at Jennifer Orcine.
Si Jaden Kristoff De Leon ay 9 years old at Grade 4. Ang hobbies naman niya ay painting, drawing, reading at online games.
Sinabi rin ni Jaden kay Dingdong Dantes na, “When I grow up, I wanna be an actor just like my whole family.”
In fairness, ang guwapo ng apo ng Superstar.
Naku, 100% sure si yours truly na sisikat din si Jaden tulad ng Lola Nora at Lolo Christopher niya.
Nasaksihan ni yours truly ang kabataan ni Ian De Leon, halos kasingguwapo niya ang anak niyang si Jaden.
Mabait at sweet si Ian noong kabataan, at hindi makakalimutin. Hanggang ngayon ay hindi basta nakakalimot sa pangako ni yours truly. Kasi naman, nu’ng bata pa si Ian ay napangakuan ko ng matchbox. Ang ending, nagkaanak na si Ian, hindi ko pa rin naibigay.
Kaya nu’ng pumunta si yours truly sa burol ni Ate Guy, habang umiiyak aketch at nakayakap kay Ian, bigla na lang itong bumulong at sinabi niyang “Nasaan na ‘yung matchbox ko?”
Natawa na lang si yours truly sa bulong ni Ian.
Sure si yours truly na buong suporta ng mga tagahanga ni Nora (RIP) ang ibibigay sa anak ni Ian na si Jaden.










Comments