top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Crown In My Head at Sinag, paborito ng mga karerista

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | January 06, 2022



Pitong karera ang inihain ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) ngayong araw ng Huwebes kaya naman paniguradong masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Bakbakan agad ang pitong tigasing kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa unang karera sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.


Posibleng magbigay ng magandang laban ang mga kalahok na sina Crown In My Head, Lady Of Peace at Sinag sa distansiyang 1,300 meter race na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


May added prize na P25,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang kukubrahin ng winning horse owner ang karagdagang P5,000.


Rerendahan ni Lester De Jesus si Sinag, maliban kina Crown In My Head at Lady Of Peace, ang ibang kalahok ay sina Batang Madrid, Honorifique, Quick Buck at Save By Hope.


Inaasahan din na aabangan ng mga karerista ang banatan sa 3-Year-Od & Above Maiden race na pakakawalan sa pangatlong karera.


Magtatagisan ng bilis ang siyam na kabayong kalahok sa distansiyang 1,300 meter para sikwatin ang premyong P10,000 para sa mananalong three-year-old horse.


Ang mga kalahok ay sina Green Archer, Atomic Blonde, Diez Catorse, Med-Bays, Shine, Lorbide, Empire Ruler, Chase The Gold at Phoenix Rising.


Samantala, humanga ang mga karerista sa pagkakapanalo ni Biktori sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System noong Linggo sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Ginabayan ni jockey RC Suson, nagmasid muna ito sa bandang likuran bago nagpa-usad at labanan ng dikdikan si Plus sa rektahan. Nagwagi si Biktori ng may dalawang kabayo ang agwat sa nasegundong Plus sa event na suportado ng PHILRACOM. Inilista ni Biktori ang 1:28.8 minuto sa 1,400 meter race sapat upang angkinin ng horse owner na si AK G Castro ang added prize na P5,000.


Pumangatlo si prince Arman habang pang-apat at pang-lina sina Adarna at Rafa ayon sa pagkakasunod.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page