Crossovers, naghahanap ng bagong players sa PVL
ni Gerard Arce - @Sports | August 20, 2022

Matapos ang anim na taon na paglalaro sa Chery Tiggo Crossovers ay maghahanap ng panibagong simula si dating national team member Maika Ortiz at anim na iba pa kasunod ng malakihang balasahan ng manlalaro sa koponan matapos ang hindi magandang pagpapakita sa katatapos lang na 2022 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference.
Nagsimulang humataw ang 30-anyos na middle blocker galing Santo Tomas Golden Tigresses nung 2016 sa Foton Tornadoes sa Philippine Superliga (PSL), na tumalon ng PVL noong 2020 season.
Naging parte ang 5-foot-10 na middle blocker ng kampeonato ng Foton noong 2016 sa PSL Grand Prix at titulo sa 2021 PVL Open Conference kasama niya sa koponan ang magkapatid na Dindin Santiago-Manabat at Jaja Santiago kalaban ang Creamline Cool Smashers sa bubble conference na ginanap sa PCV Socio-Civic and Cultural Center sa Bacarra, Ilocos, Norte simula Hulyo 17-Agosto 13, 2021.
Sa inilabas na statement ng koponan sa kanilang Facebook account nitong Martes ng gabi, inihayag nito ang pasasalamat sa paglilingkod sa koponan.
“In every spike, every set, every dig, you’ve been there, Crossovers. Your Chery Tiggo Crossovers family thanks you from the bottom of our hearts. Our memories together are forever cherished! Goodluck in your future endeavors! We’re rooting for you,” pahayag ng Crossovers sa kanilang Facebook post.
Bukod kay Ortiz, kabilang din sina outside hitter Elaine Kasilag ng Perpetual Help-Laguna, middle blocker Rachel Austero ng College of St.Benilde, middle blocker Joy Dacoron ng Adamson, outside hitter/libero Justine Dorog ng dating UP Lady Maroons, Arianne Layug ng dating DLSU Lady spikers at libero Julia Angeles.





Comments