top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Crossovers, matibay sa 2nd spot Vs. Hitters sa PVL

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 18, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | November 18, 2022



Itinakas ng Chery Tiggo Crossovers ang makalaglag-bagang come-from-behind panalo kontra PLDT High Speed Hitters sa five-set 25-20, 18-25, 22-25, 25-16, 18-16 para mapanatiling matatag sa solo second spot sa huling laro nito sa elimination round ng 2022 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa jampacked na SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kinana ng 30-anyos na Montenegro outside hitter na si import Jelena Cvijovic ang mga nalalabing pwersa sa hampasan upang maisalba ang double-double performance na 20 puntos mula sa 17-of-48 atake kasama ang 2 blocks at isang ace at ang 21 excellent receptions, gayundin ang mahahalagang atake sa fifth set katulong si leading scorer Mylene Paat upang mailagay sa matatag na 6-2 kartada ang koponan patungo sa semifinal round.


Tangan ang 5-0 kalamangan sa deciding set, naging mahirap para sa Chery Tiggo na pakalmahin ang nagwawalang trifecta nina Elena Samoilenko, Mika Reyes at Dell Palomata ng tuluyang maagaw sa kanila ang bentahe sa 14-15 matapos ang quick attack ni Palomata.


Nagawang maitabla ni Paat ang laro sa 15-15, ngunit kinuha muli ni Samoilenko ang kalamangan sa matinding hambalos sa 15-16. Gayunpaman, tatlong magkakasunod na errors ang nilikha ng High Speed Hitters mula kina Jules Samonte at kambal na errors ng mainit na si Palomata upang maitakas ang panalo.


Lumista si Paat ng team-high 23pts mula sa 20 atake kasama ang 11 digs, habang sumuporta si Czarina Carandang ng 10pts at walong puntos mula kay Ennajie Laure.


Nasayang naman ang impresibong game-high 26pts ni Samoilenko mula sa 24-of-82 atake. Tuluyan ng nahulog ang PLDT sa semifinals dahil sa nakuhang pagkatalo matapos ang 3-5 kartada kasama ang Akari Chargers na parehong may rekord at walang panalong Army-United Auctioneers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page