CRISTINE, WA' PAKI KAHIT 6 YRS. ANG TANDA NIYA KAY MARCO
ni Nitz Miralles @Bida | April 27, 2023

Ginagawang isyu ng ibang netizens ang age gap nina Cristine Reyes at Marco Gumabao.
Kung 'yung dalawa nga, hindi isyu sa kanila ang pagkakaroon nila ng six years age gap, ang mga bashers naman ay ito ang pinoproblema.
At saka, kahit 34 years old na si Cristine habang 28 years old lang si Marco, wala sa hitsura ng aktres na anim na taon ang tanda niya sa nobyong hunk aktor.
Sabi nga namin, kung sina Marco at Cristine ay hindi hadlang ang agwat ng edad nila sa isa't isa upang maging masaya at magmahalan, bakit naman may sey ang iba rito?
Sabagay, kaunti lang naman ang mga nababasa naming negative comments kasi karamihan ay masaya para sa magdyowa.
Sey pa ng ibang suportado ang pag-amin ni Marco sa relasyon nila ni Cristine, deserve raw nilang maging masaya, kaya sino ba naman tayo para kumontra at makialam?
Dahil parehong Viva Artist talents sina Cristine at Marco, may mga nagre-request na sa naturang talent agency na pagsamahin ang dalawa sa isang pelikula.
Gusto ng mga fans, love story o kaya'y rom-com ang kanilang gawin para mas masaya.





Comments