CRISTINE: PINAKAMALIGAYA AKO 'PAG KASAMA KO SI MARCO
- BULGAR
- Jun 4, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 4, 2023

Isa sa mga projects na in-announce ni Vincent del Rosario sa celebration ng 7 million subscribers ng Vivamax ay ang teleserye na pagtatambalan nina Cristine Reyes at Marco Gumabao.
Hindi na nag-share si Boss Vincent ng details sa teleserye maliban sa for airing na ito next month.
Nilinaw din ni Boss Vincent na ginawa nina Cristine at Marco ang teleserye bago pa nila inamin ang kanilang relasyon, kaya hindi ito pang-promo sa kanilang relasyon.
And speaking of Cristine, ini-repost nito sa IG Story niya ang post ni Marco ng photo nilang magka-holding hands at may caption na “My gorgeous date last night @cristinereyes.” Ang caption naman ni Cristine, “Happiest with you.”
Comments