CRISTINE, NAINLAB KAY MARCO NANG MAGSAMA SA ILOCOS
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 27, 2023

Halos anim na taon ang age gap nina Marco Gumabao (28 y/o) at Cristine Reyes (34 y/o).
Ayon kay Cristine, first time niya to date a man younger than her. Pero kahit nga mas bata sa kanya si Marco, para sa aktres ay mature ito for his age.
“Parang perfect boyfriend ‘to, eh,” paglalarawan ng aktres kay Marco nang sumalang silang dalawa sa ‘lie detector test’ for Bea Alonzo’s vlog.
Kung hindi kami nagkakamali, ito ang unang pagharap ng dalawa together sa isang panayam since naging official sila.
“Kasi si Marco, alam mo ‘yun, naiintindihan niya lahat. Parang hindi ako makapaniwala at his age,” sey pa ni Cristine tungkol sa BF.
Natanong naman si Marco kung nakipag-date na ba siya before sa girl na older sa kanya at sey ng aktor, “Siguro, nasa mga two years lang (ang age gap), ito na ‘yung pinakaano na… Pero ‘yung mga five years and above, wala pa.”
Perfect din ang description ni Marco sa relasyon niya with Cristine, pero sinita siya ng aktres dahil gaya-gaya raw siya.
“Sorry, let me rephrase – unbelievably perfect,” sey naman ni Marco.
Sinabi rin ng aktor na noon pa ay crush na niya si Cristine at sa tuwing tinatanong siya kung sino ang kanyang female celebrity crush ay laging ang aktres ang sagot niya.
Pagtatapat naman ni Cristine, naku-cute-an siya kay Marco pero hanggang ganu’n lang.
Nagsimula raw siyang magkaroon ng attraction sa aktor nang magpunta sila sa Ilocos for work.





Comments