Criminal offender na walang ‘K’ sa benepisyo ng probation
- BULGAR
- Feb 16, 2024
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 16, 2024
Dear Chief Acosta,
Ako ay miyembro ng isang partido sa isang sibil na kaso na dinidinig ngayon sa korte. Tuwing ako ay uma-attend ng hearing, naririnig ko ang salitang probation sa ilan sa mga kasong kriminal. May mga akusado o criminal offenders ba na hindi maaaring mabigyan ng benepisyo ng probation? Salamat sa inyong kasagutan. -- Tan
Dear Tan,
Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 2 ng Republic Act No. 10707 o “An Act Amending Presidential Decree No. 968, otherwise Known as the “Probation Law of 1976”, as amended, kung saan nakasaad na:
SECTION 2. Section 9 of the same Decree, as amended, is hereby further amended to read as follows:
“SEC. 9. Disqualified Offenders. — The benefits of this Decree shall not be extended to those:
“a. sentenced to serve a maximum term of imprisonment of more than six (6) years;
“b. convicted of any crime against the national security;
“c. who have previously been convicted by final judgment of an offense punished by imprisonment of more than six (6) months and one (1) day and/or a fine of more than one thousand pesos (P1,000);
“d. who have been once on probation under the provisions of this Decree; and
“e. who are already serving sentence at the time the substantive provisions of this Decree became applicable pursuant to Section 33 hereof.”
Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang benepisyo ng probation ay hindi maaaring ipagkaloob sa mga sumusunod: a.) kung ang sentensya na ipinataw sa isang nagkasala ay may maximum term na lalampas sa anim (6) na taon; b.) ang isang akusado ay mapapatunayan na nagkasala sa isang krimen na laban sa national security; c.) ang nagkasala ay napatunayan na dati nang nagkasala, base sa final judgment, para sa isang kaso na may sentensya na lalampas ng anim (6) na taon at isang (1) araw at/o multa na sosobra sa P1,000; d.) kung ang isang tao ay minsan ng naging under probation; at e.) sa mga taong nagsisilbi na ng sentensya sa kulungan nang nagkaroon ng bisa ang batas. Ang mga nasabing tao o law offenders ay hindi binibigyan ng pagkakataon na matanggap ang benepisyo ng probation sapagkat ang probation ay hindi isang karapatan kundi isang pribilehiyong ipinagkakaloob sa mga nararapat at kwalipikadong tao.
Nawa ay nasagot namin ang iyong mga katanungan. Nais naming ipaalala na ang opinyon na ito ay nakabase sa mga naisalaysay sa iyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang aming opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kang sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.





Comments