Crazy Collin, nagpakain ng alikabok sa largahan
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | January 04, 2022
Maraming karerista ang humanga sa ipinakitang takbo ni Crazy Collin noong Linggo ng hapon sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.
Ginabayan ni jockey MB Pilapil, pumuwesto si Crazy Collin sa tersero upang panoorin ang nagtatagisan ng bilis sa unahan na sina Matukad Island at Rogue Nation.
Ubusan ng lakas sina Matukad Island at Rogue Nation mula paglabas ng aparato hanggang far turn, bago umusad papalapit sa kanila sina Crazy Collin at Both Sides Now.
Nagkapanabayan sina Matukad island, Rogue Nation, Crazy Collin at Both Sides Now sa huling kurbada kaya bakbakan ang nasilayan ng mga karerista sa rektahan.
Umungos nang tuluyan si Crazy Collin sa huling 150 metro ng laban, nanalo ito ng may apat na kabayo ang agwat sa pumangalawang si Rogue Nations.
Nagtala ng tiyempong 1:28.6 minuto sa 1,400 meter race ang anak nina Shining Fame at Charlize World sa apat upang ibulsa ng horseowner na si NG Cruz ang added prize na P10,000 premyo.
Terserong tumawid sa meta si Both Sides Now habang pang-apat si Matukad island Island sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
Hindi nagpadaig si Tanforan matapos manalo sa Condition Race (22) na pinasibat sa pang-walong karera.
InNirehistro ni Tanforan ang impresibong 1:13.4 minuto sa 1,200 meter race, sinakyan siya ni MP Laloma, pumangalawa si Union Run habang tersero at pang-apat sina Chinito at Sweet Luck ayon sa pagkakasunod.
Samantala, magkakaroon ng dalawang araw na pakarera ang Manila Jockey Club Inc.
(MJCI) sa Enero 5, (Miyerkoles) at 9, (Linggo) pero limitado ang mga magbubukas na off-track betting stations dahil sa isinailalim sa Alert level 3 ang Metro Manila.
Kaya paalala ng PHILRACOM sa Bayang Karerista na mag-ingat dahil mas mapanganib ang bagong pandemya na umaatake sa bansa.





Comments