top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Crawford, tinadtad si Porter

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2021
1 min read

ni Gerard Arce - @Sports | November 22, 2021




Patuloy na napanatili ni Terrence “Bud” Crawford ang titulo na World Boxing Organization (WBO) welterweight at ang undefeated winning streak kontra kay dating 147-pound champion Shawn “Showtime” Porter sa pamamagitan ng 10th round TKO, kahapon sa main event sa Michelob ULTRA Arena sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada.


Isang dumadagundong na maigsing counter left upper cut ang binitawan ng 34-anyos na three-division world champion na si Crawford (38-0, 29KOs) para ibigay ang unang knockdown kay Porter (31-4, 17KOs). Sinubukan pang muling tumayo ng dating IBF at WBC 147-lbs titlist at makipagsabayan ng palitan ng suntok, ngunit muli itong bumagsak mula sa right hook at left uppercut combination para tuluyang isuko ng kanyang amang si Kenny Porter at itigil ni referee Celestino Ruiz ang laban sa 1:21 ng 10th round.


Matagumpay na nadepensahan ng Omaha, Nebraska native sa ika-limang pagkakataon ang kanyang titulo matapos mapanalunan kay Jeff Horn via 9th round TKO noong Hunyo 9, 2018 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas. Simula Disyembre 10, 2016 laban kay American John Molina Jr. ay puro TKO victories na ang itinala ni Crawford.


Tinalo nito sa unang pagdepensa si American Jose Benavidez Jr, na sinundan nina British Amir Khan, Lithuanian Egidijus Kavaliauskas, at British Kell Brook, habang nagwagi naman sa huling laban si Porter kay Sebastian Formella ng Germany na nagtapos sa 12-round unanimous decision nung Agosto 22, 2020.


Sa hindi namang inaasahang pangyayari, nagulat si Crawford ng malamang nanood ng personal ang kapwa niya kampeon ng welterweight division na si unified IBF/WBC champion Errol “Truth” Spence Jr na matagal ng inaawitan na magkaroon ng unification match.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page