COVID mula sa India, mas matindi kaysa sa Delta variant
- BULGAR
- Jul 13, 2021
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | July 13, 2021
May mabigat daw na idedesisyon si Willie Revillame.
Baka bubuhatin niya ang isang sakong barya!
◘◘◘
KAKANDIDATO palang senador si Kuya Will?
Nagdadrama pa!
◘◘◘
KILLJOY daw ang Delta variant ng COVID mula India.
‘Yan na ang delikado!
◘◘◘
LUMALAYO na kay P-Digong ang ilang dating kapanalig tulad nina Rep. Pantaleon Alvarez, Sen. Koko Pimentel, Sen. Manny Pacquiao, at mas malaman ay si Ex-Speaker Alan Peter Cayetano.
Normal lang ‘yan sa malapit nang maging “lameduck” president!
◘◘◘
HINDI naman balita o abnormal ang pagkabilang bakod ng mga pulitiko kapag matatapos na ang termino ng sitting president.
Magiging abnormal lamang ito kapag si Mayor Sara ang nag-iwan kay P-Digong!
◘◘◘
KUMPIRMADO na ang paghihiwalay nina Kyle at Aljur.
Matagal na ‘yan hinihintay ng mga tsismoso’t tsismosa!
◘◘◘
ISANG malaking isyu ay kung paano makakabalik sa normal ang ekonomiya.
Imbes na makarekober, bumagsak pa ang halaga ng piso!
◘◘◘
NGAYON pa lamang nararamdaman nang todo ang negatibong epekto ng mahabang lockdown.
Walang bakuna kontra sa pagdarahop!
◘◘◘
PAANO kung magbalik sa Metro Manila ang mga “walang trabaho”?
Dagdag “dependent” ‘yan sa demograpo!
◘◘◘
ANG kailangang magbalik sa Metro Manila ay local investors at hindi dependent.
‘Yan ay isang iskema na dapat pag-aralan ng NEDA!
◘◘◘
DAPAT mano-manong saklolohan ng gobyerno ang pagbuhay sa maliliit na negosyo.
Ibig sabihin, bilangin ang saradong negosyo — at diretsong i-subsidy ito upang mabuhay.
Simpleng-simple lang!
◘◘◘
KUNG dahop ang Pasko noong 2020, higit na dahop ang Pasko sa 2021.
‘Yung naitatabing cash, naubos na; nadagdagan pa ng utang!
◘◘◘
KAKAUNTI ang nagpupunta sa bangko para magdeposit at magbayad ng utang.
Paano kapag totoo ‘yan?
◘◘◘
MALABO pa rin ang face-to-face class sa 2021-2022 school year.
Nabuburyong na ang mga paslit.
Saykolohikal na ang krisis!
◘◘◘
MAY sakit ang Santo Papa.
Maaaring magising tayo isang umaga, na isang Pinoy cardinal na ang lider ng Vatican City!





Comments