Covid cases, dumami dahil sa mga pasaway… 75 K establishments, iniinspeksyon ng DOLE
- BULGAR

- Sep 2, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | September 2, 2021

Ipinahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tinatayang nasa 4,000 kumpanya sa bansa ang nai-report na tinamaan ng COVID-19 infection ang kanilang mga empleyado.
“Of the 48,000 establishments, 4,000 reported having COVID-19 cases,” ani DOLE Assistant Secretary Maria Teresita Cucuenco sa Laging Handa briefing ngayong Huwebes.
“Most of these are in the services, manufacturing, wholesale/retail trade, finance/insurance and construction sectors,” dagdag niya.
Ayon kay Cucuenco, plano ng DOLE na magsagawa ng physical inspection sa 75,000 establisimyento sa loob ng isang taon.
“Due to surge in COVID-19 cases in NCR Plus, we really intensified inspection for compliance with minimum public health standards as well as other health and safety standards not related to COVID-19,” sabi ng kalihim.
Sinabi pa ng opisyal na sa 75,000 target na kumpanya ng DOLE, nakapagsagawa na rin ang ahensiya ng physical inspection sa 72,000 establisimyento.
Kabilang dito ang mga lugar na nasa NCR Plus, gaya ng Metro Manila at ang mga karatig-probinsiya ng Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.
Ayon pa kay Cucuenco, nakapag-isyu na rin ang DOLE ng safety seal para naman sa 292 establisimyento.
“These are mostly in NCR where most of establishments are, as well as Region 4A and Region 3,” sabi ni Cucuenco.








Comments