top of page

COVID cases dumami, dagdag-contact tracers sa Bontoc

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 24, 2021
  • 1 min read

ni Lolet Abania | January 24, 2021




Magtatalaga si Mayor Franklin Odsey ng Bontoc, Mountain Province ng mga contact tracers dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga COVID-19 cases sa kanilang munisipalidad.


Sinabi ni Odsey sa isang interview, nakapagtala ang lokal na pamahalaan ng kabuuang 341 kaso ng COVID-19 na mayroong 90 nakarekober at 249 active cases.


“It is progressing and increasing kaya darating ang additional contact tracers sent by DOH-CAR ngayong araw. Magko-conduct ng community testing yata ang purpose nila,” sabi ni Odsey.


Ayon naman kay Department of Health-Cordillera Administrative Region (DOH-CAR) director Dr. Ruby Constantino, may 12 UK variant ng COVID-19 cases na na-detect sa Bontoc.


Gayunman, tiniyak ni Odsey na ang mga pasyenteng ito ay naaalagaan at patuloy na mino-monitor.


Ang pagtaas ng COVID-19 cases sa Mountain Province ay dahil sa nabalewala ng mga residente ng lugar ang panganib ng nakamamatay na sakit, ayon kay Constantino.


“Kaya nagkaroon ng surge ng kaso ng COVID-19 sa Mountain Province dahil sa naging kampante ang ilan at hindi nakasunod sa health protocols,” ani Constantino sa hiwalay na interview.


Sa ngayon, isinailalim na sa lockdown ang ilang barangay sa Bontoc.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page