Search
  • BULGAR

COVID-19 vaccine, 'di pa sure na safe sa 15 anyos pababa

ni Lolet Abania | January 12, 2021





Masusing pag-aaral pa ang kinakailangan para matiyak na ang COVID-19 vaccines ay ligtas sa isang indibidwal na 15-anyos pababa, ayon kay World Health Organization (WHO) Dr. Rabindra Abeyasinghe, representative ng bansa.


"There will be further research happening in the future when it would be clear whether children should be vaccinated or not. But at this point we are not beyond that," sabi ni Abeyasinghe sa mga mambabatas sa Senate hearing nitong Lunes.


Ayon sa WHO representative, ang vaccines kontra sa COVID-19 ay hindi pa naisubok sa mga bata sa dalawang dahilan. Una ay dahil sa mababang insidente ng COVID-19 sa mga bata at ikalawa, dahil sa pagnanais ng mga vaccine manufacturers na unang tiyakin na ligtas ang kanilang produkto para sa mga adults na gagamit nito bago i-administer sa mga younger age groups.


Sinabi ito ni Abeyasinghe, matapos na banggitin ni Senator Cynthia Villar ang kaso sa Japan, kung saan ang mga kabataan na 15-anyos pababa ay iniulat na hindi kasama sa COVID-19 vaccination dahil sa hindi pa napatunayan kung ang vaccines kontra coronavirus ay ligtas para sa mga younger age groups.


"I look at the statistics, 35% [of the Philippine population] are below 16 years old... So, talagang 60% lang talaga ang set ng iba-vaccinate [sa Pilipinas]," sabi ni Villar.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.