top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

COVID-19 cases sa ‘Pinas, ‘di malayong umabot sa dalawang milyon, ingat pa more!

BULGAR
Aug 31, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 31, 2021


IMBES NA MATITINONG NEGOSYO ANG PAYAGANG MAGBUKAS, CASINO ANG MAY BASBAS NA NI P-DUTERTE NA MAG-OPERATE—Ipinag-utos ni P-Duterte sa PAGCOR na mag-operate na ng casino sa Boracay Island dahil wala nang pera ang pamahalaan.


Hay naku, imbes na ‘yung matitinong negosyo ang payagang 100% nang mag-operate, eh, ang naisip pabuksan ng pangulo ay pasugalang casino, boom!


◘◘◘


DARAMI TALAGA ANG MAGKAKA-VIRUS SA NCR AT SOUTHERN TAGALOG REGION KASI NAG-OPERATE NA NAMAN STL, PERYA NG BAYAN AT JUETENG—Sa report ng Department of Health (DOH) tungkol sa 19.441 na tinamaan ng COVID-19 noong Aug. 28, 2021, ang 5, 085 ay taga-Metro Manila at ang 4, 446

naman ay taga-Southern Tagalog region.


Paanong hindi darami magkaka-virus sa National Capital Region (NCR) at Region 4-A, eh, mula nang alisin ang ECQ (Enhanced Community Quarantine), at ibalik ang MECQ (Modified Enhanced Community Quarantine) noong Aug. 21, 2021 ay umarangkada na naman ang iba’t ibang uri ng pasugalan ng mga gambling lords, nilabag na ulit ng kanilang mga kubrador ang health protocols, nagbahay-bahay na ulit sa pagpapataya ng Small-Town Lottery (STL)-con jueteng sa Maynila, Taguig City, Muntinlupa City, Parañaque City, Makati City, Pasay City at Las Piñas City; Perya ng Bayan-con jueteng sa Cavite at Rizal at jueteng sa Laguna at Batangas, buwisit!


◘◘◘


PRAMIS NI GEN. ELEAZAR: KASO, KULONG AT SIBAK SA SERBISYO ANG AABUTIN NG MANYAKIS NA PARAK—Nang mag-start ang lockdown noong Aug. 6 ay sinabihan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga pulis na nagmamando sa mga checkpoint na irespeto at huwag gawan ng masama ang mga quarantine violator, na puwedeng pagsabihan ang mga ito o kaya ay sampahan ng kaso, pero sadyang may mga parak na matitigas ang ulo tulad ng isang pulis sa Mariveles, Bataan na hinalay ang babaeng quarantine violator.


Sa galit ni Gen. Eleazar ay nangako ito sa publiko na siya mismo ang magsasampa ng kaso, magkukulong at magsisibak sa serbisyo sa manyakis na parak, abangan!


◘◘◘


PARANG SINABI NG OCTA NA HAPPY ANG 80% PINOYS NA MAGDA-DALAWANG MILYON NA COVID CASES SA ‘PINAS—Noong Aug. 26, 2021 ay sinabi ng OCTA Research Group na sa loob ng dalawang linggo ay maaaring pumalo na sa 2 milyon ang COVID-19 cases sa Pilipinas, at makalipas ang tatlong araw ay naglabas ng survey ang OCTA na kesyo 80% Filipinos ang nagbigay-approval rating sa response ng Duterte gov’t. sa laban sa COVID-19.


Inuunggoy ba ng OCTA ang publiko? Para kasi nilang pinalalabas sa kanilang survey na happy pa ang 80% Pinoys na magda-dalawang milyon na COVID-19 cases sa ‘Pinas, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page