COVID-19 cases sa NCR, bumaba na kaya happy ang Christmas!
ni Ka Ambo - @Bistado | August 20, 2021
Bumababa ang bilang ng COVID-19 case sa Metro Manila.
Happy ang X-mas!
◘◘◘
HINDI na maghihigpit ang Taliban sa mamamayan.
Mainam naman!
◘◘◘
NASAAN ang mga government auditors sa mga LGUs?
Bakit hindi sila naglalabas ng annual audit report?
◘◘◘
IMBES na kontrahin ni P-Digong ang audit report, dapat iutos niyang isapubliko ito sa bawat lalawigan, siyudad, bayan at barangay.
‘Yan ay ikatutuwa ng mamamayan!
◘◘◘
HIWALAY na sangay ng gobyerno ang COA, wala ito sa ilalim ng Malacañang.
Ito ay constitutional body tulad ng Korte Suprema, Senado, Kamara, Civil Service, SandiganBayan at iba pa!
◘◘◘
LAHAT ng unit ng gobyerno ay dapat binabantayan ng COA.
Bukod sa COA, may kani-kanya ring auditors ang lahat ng departamento ng gobyerno!
◘◘◘
ANG korupsiyon ay karaniwang nagagawa mula sa pakikipagkutsaba ng mga auditors.
Ang auditors ang nagtatakda ng requirements o listahan ng kailangan resibo o transaction papers na dapat maisumite.
Sila rin lang ang may kakayahang i-authenticate o i-validate kung alin klase ng resibo ang pinahihintulutan ng batas!
◘◘◘
KARANIWANG may bendisyon ng ilang auditors ang proseso sa paglalabas ng pondo.
Tanging ang COA lamang ang magdedesisyon kung ano o alin ang lehitimo o naaayon sa batas.
Ang korte ay nakasandal sa rekisitos ng COA upang matukoy ang korupsiyon!
◘◘◘
MAHALAGA ang papel ng COA sa korupsiyon, sila ang mismong may kakayahang magtakda ng technical requirement bago mailabas nang lehitimo ang pondo.
Karaniwang iniimbento o naglalabas ng hindi awtorisadong dokumento ang mga ehekutibo ng gobyerno upang makapandambong!
◘◘◘
KAPAG hindi ibinunyag ng COA ang korupsiyon sa lahat ng antas, hindi mareresolba ang kaliwa’t kanang nakawan sa pamahalaan.
Hindi dapat kinokontra ang anumang pagkilos ng COA.
Gumagalaw sila nang naayon sa Konstitusyon at hindi sa dikta ng Malacañang o hukuman!





Comments