top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Cover note ng insurance contract

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 6, 2021
1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 6, 2021



Dear Chief Acosta,


Nag-apply ako ng insurance para sa aking sasakyan noong nakaraang linggo pero “cover note” lang muna ang ibinigay sa akin ng insurance company. Kahapon ay nasangkot ang aking sasakyan sa banggaan. May bisa na ba ang insurance ko? – Heri


Dear Heri,


Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 52 ng Republic Act No. 10607, o mas kilala sa tawag na The Insurance Code of the Philippines kung saan nakasaad na:


“SEC. 52. Cover notes may be issued to bind insurance temporarily pending the issuance of the policy. Within sixty (60) days after issue of a cover note, a policy shall be issued in lieu thereof, including within its terms the identical insurance bound under the cover note and the premium therefor.”


(Binigyang-diin)


Samakatwid, may bisa ang insurance contract kahit cover note lamang muna ang naisyu ng insurance company, 60-araw mula sa panahong ito ay naibigay sa insured, sapagkat ayon sa batas, ang cover note ang magiging pansamantalang patunay ng inyong insurance contract. Ibig sabihin, ang inyong contract of insurance ay balido at may bisa na at maaari kayong makapag-claim ng proceeds mula rito.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page