Costa Rica inilaglag ang Germany, Japan at Spain, swak sa last 16
- BULGAR
- Dec 3, 2022
- 1 min read
ni MC - @Sports | December 3, 2022

Nalaglag ang Germany sa World Cup sa group stage para sa ikalawang pagkakataon sa kabila ng 4-2 na panalo kontra Costa Rica kahapon.
Kinakailangan ng four-time World Cup winners sa naturang laban ng panalo na umaasa sa resulta ng Japan kontra Spain.
Pero na-eliminate ang Germans dahil sa goal difference dahil unang tinalo ng Japan ang Germany na nagkamit ng nakagugulat ding resulta nang talunin ang Spain 2-1.
Maagang lumamang ang Germany pero naiwan na sa second half nang magpalit si coach Nasi Flick ng tao at mag-react sa live score ng Japan kontra Spain.
Positibo sana ang simula ng Germans at nagpakabog agad ang Flick's all-Bayern Munich front line, ginigitla pa ang Costa Rica sa depensa nang biglang iulo ni Serge Gnabry mula sa harap ni Leipzig defender David Raum matapos ang 10 minuto at magtarak na ng iskor.
Pasok din naman ang Spain sa World Cup sa last 16 sa kabila ng 2-1 na pagkatalo sa Japan, na nagwagi sa Group E.
Nakagigitla ang panalo nang masungkit ng Japan ang iskor laban sa Germany sa opening game habang mahihilera na sa "group of death" na maituturing na pinakamalaking achievements sa kasaysayan ng football ng naturang bansa.
Sa isang makapigil-hiningang minuto, naiiwan ang Spain habang umaabanse ang Costa Rica sa iba pang laro, nagpursige ang 2010 champions at pinagbigyan sila ng Germany para ibigay ang pakikipagtuos sa Los Ticos.








Comments