Costa Del Sol, Tatakbo kontra 7 pa sa Handicap
- BULGAR
- Nov 2, 2022
- 2 min read
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |November 2, 2022
Rarampa sa pista si Costa Del Sol kasama ang pitong tigasing kabayong kalahok sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan ngayong araw sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.
Makakatagisan ng bilis ni Costa Del Sol sina Hot Legs, Sagitsit, Caloocan Zap, Yabba Dabba Doo, Cambari Island, Miss Rosario at Honey Ryder sa distansiyang 1,200 meter race.
Nakalaan ang added prize na P15,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta at karagdagang P10,000 premyo para sa winning horse owner.
Komento ng ibang karerista, mahirap na karera ang nasabing event dahil lahat ng kasali ay may tsansang manalo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
Pitong races ang inihanda ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong Miyerkules kaya paniguradong masaya ang mga karerista sa kanilang pananaya.
Kasama sa aabangan ng mga karerista ay ang bakbakan ng anim na kabayo sa Condition race Merged na ilalarga sa unang karera.
Maghaharap sina Dragon Butterfly at My Jopay sa distansiyang 1,200 meter race, kasali rin sina Runawayfromrosenot, Runaway, The Accountant at Wish Afan A Star.
Sasakyan ni Jerico Serrano si Dragon Butterfly habang si AS Pare ang gagabay kay My Jopay sa event na nakalaan ang P10,000 karagdagang premyo para sa winning horse owner.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - My Jopay (5), Dragon Butterfly (2)
Race 2 - Honey Ryder (8), Costa Del Sol (1)
Race 3 - Since When (7), Don Albertini (12), Early Bird (10)
Race 4 - Digital (4), Bishop Blue (7), Rockaway (13)
Race 5 - Sun Moon Lake (6), Pilya (5), Charm N Luck (1)
Race 6 - Kumander (5), Under Pressure (3)
Race 7 - Quincy (9), Dollarama (8), Majestic Star (1)





Salamat po!