top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pagsampa ng physical injury na nangyari pa last month

Writer: BULGAR
BULGAR
May 6, 2021
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | May 06, 2021



Dear Chief Acosta,

Binugbog ako ng aking kaibigan noong nakaraang buwan dahil sa paniningil ko sa kanyang pagkakautang. Hindi ako nakapasok ng siyam na araw sa aking trabaho dahil sa pangyayari. Maaari ko ba siyang sampahan ng kasong physical injury kahit nangyari ito noong nakaraang buwan? – Philip


Dear Philip,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Act No. 3815, o mas kilala sa tawag na The Revised Penal Code (RPC). Nakasaad sa Section 265 ng RPC na:


“Section 265. Slight serious physical injuries and maltreatment. The crime of slight physical injuries shall be punished:


1. By arresto menor when the offender has inflicted physical injuries which shall incapacitate the offended party for labor from one to nine days, or shall require medical attendance during the same period; x x x”


Ayon sa nasabing batas, ang sinumang makapanakit ng tao kung saan ito ay hindi makapagtrabaho o tumagal ang paggaling nito ng isa (1) hanggang siyam (9) na araw ay maparurusahan ng pagkakakulong ng arresto menor o mula isa (1) hanggang tatlumpung (30) araw. Ngunit ito ay maaari lamang maisampa sa loob ng dalawang (2) buwan mula nang ito ay mangyari. Maliwanag na nakasaad sa Section 90 ng kaparehong batas na :


“Article 90. Prescription of crime. – x x x


Light offenses prescribe in two months. […]” (Binigyang-diin)


Samakatwid, maaari pa ninyong masampahan ng kasong physical injury ang inyong kaibigan hangga’t hindi pa ito lampas ng dalawang (2) buwan mula nang ito ay mangyari.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page