Anti-homosexuality bill, ipinasa sa Ghana
ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 1, 2024

Ipinasa ng parlamento ng Ghana noong Miyerkules ang kontrobersyal na "anti-homosexuality bill" na kinondena ng maraming bansa.
Ipinakilala ang batas sa parlamento noong 2021. Hindi lamang ito nagpapataw ng parusa sa mga relasyon ng mga miyembro ng LGBTQ community, kundi pati na rin sa mga sumusuporta sa karapatan ng nasabing komunidad.
Gayunpaman, kailangan pa ring aprubahan ng pangulo ng bansa ang panukalang batas bago ito maging opisyal na batas.
Maraming bansa sa Africa ang patuloy na nagpapataw ng parusa sa mga same-sex activities, na naimpluwensyahan ang karamihan sa mga batas noong panahon ng kolonyalismo.





Comments