top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Royals at Knights, nagwagi

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2021
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 12, 2021





Naitala ng Iloilo United Royals ang pinakaunang panalo kontra sa bagong tatag na Negros Muscovados, 83-77, sa pagsisimula ng CTG MPBL Invitational 2021 sa MOA Arena kahapon. Ito ang pormal na pagbalik ng sports sa na binuksan din ang pinto sa mga tagahanga sa unang pagkakataon.


Lamang lang ng isa ang Royals matapos ang tatlong quarter, 61-60, subalit biglang pumutok sina Donald Gumaru, Axel Inigo at John Paul Maguliano sa isang 10-2 simula para lumayo, 71-62. Mula roon ay ipinasok ng mga beteranong sina Chito Jaime at Levi Hernandez ang mga pandiin na puntos na tinuldukan ng tres ni Gelo Vito para 83-73 na talaan at 54 segundo sa orasan. Napiling Best Player si Jaime na may 18 puntos. Sinundan siya nina Gumaru at Aaron Jeruta na parehong may tig-12 puntos.


Sa pangalawang laro, walang awang pinarusahan ng Go For Gold AICC-San Juan Knights ang MJAS Zenith Valenzuela, 97-64. Umarangkada agad ang Knights matapos ang first quarter, 24-8, na ipinasok ang unang walong puntos ng second quarter para lalong lumayo, 32-8


Pinamunuan ang atake ng San Juan ni Orlan Wamar na may 27 puntos at may mga punto sa first half kung saan mas marami pa siyang puntos kumpara sa buong kalaban.


Sinuportahan siya nina Arvin Gamboa at Jason Melano na parehong may tig-11 puntos.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page