top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Oktubre 19, 2021 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 19, 2021
  • 2 min read

Updated: Oct 20, 2021

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 19, 2021



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 19, 2021 (Martes): Mas masuwerte ka kaysa sa mga pangkaraniwan. Habang ang iba ay tatawaging laging kapos sa kapalaran, ikaw naman ay patuloy na mapabibilang sa mapapalad na nilalang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Habaan mo pa ang iyong pang-unawa dahil nakakapagod ang mga aktibidad sa araw na ito. Ngunit habang napapagod ka, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo nang hindi mo inaasahan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-19-20-28-30-35-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa tabi mo lang ang mga suwerte. Manatili kang masaya nang sa gayun ay mabilis na magsidapo sa iyo ang mga ito kapag kailangang-kailangan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-21-27-30-34-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Marami ang mga suwerteng darating sa iyo. Ang kasiyahan mo ay walang pagsidlan at aapaw ang kagalakan sa iyong puso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-24-26-30-35.


CANCER (June 21-July 22) - Masarap makatanggap ng mga materyal na bagay ngayong palapit nang papalapit ang Pasko. Pero ang higit na pasasalamatan mo ay hindi ang materyal na bagay na magbibigay sa iyo ng kakaibang kaligayahan at sarap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-17-20-23-29-31.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw ang manguna. Hindi ka dapat maging tagasunod lang. Sa pagiging lider mo, ang lahat ay aani ng paghanga at pagkilala. Ang nakakatuwa pa, kayo ay sobrang bubuwenasin ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-22-27-30-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Idagdag mo ang iyong magagandang ideya sa grupo. Sobrang daming kakaiba at nakakatuwang ideyang nasa isip mo ang magbibigay ng isanlibong saya sa mga tao. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-21-24-25-34-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mapasasaiyo ang mga suwerteng nasa paligid kung ikaw ay may suot na mga palawit. Paminsan-minsan, hawakan mo ang mga ito at magugulat ka dahil susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-25-27-30-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Manatili kang presko o ‘yung mukhang sariwang-sariwa ang ganda mo. Manatili kang masigla na para bang handa ka sa anumang bagay. Sa ganitong paraan, ang malalaking suwerte ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-15-19-21-27-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagpapatuloy ang ilang bulalakaw na magbibigay-saya sa mga may kakaibang kahilingan sa buhay. Ikaw at ang bulalakaw ay iisa, kaya ipagpatuloy mo ang pagpapasaya sa mga tao. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-9-12-16-23-35-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong kaligtaan na ang pagpapatunog ng mga barya ay isa sa mga epektibo mong pampabuwenas. Gawin mo ito paminsan-minsan. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-12-14-26-30-39.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit saan ka pumunta, dalhin mo ang iyong paboritong bag. Paminsan-minsan, yakapin mo, at gawin mo ito ngayon dahil ito ang iyong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-13-18-20-21-25.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tumabi ka sa masayahin at ikaw ay susuwertehin. Hindi sinasadya na ang mga suwerte nila ay mahimalang malilipat sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-11-14-27-30.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page