Horoscope | November 7, 2021 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| November 7, 2021
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 7, 2021 (Linggo): Malayo ang iyong mararating, kaya ikaw ay mangingibang-bayan at doon mo makakaharap nang mukhaan ang iyong mga suwerte at magagandang kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pansamantalang babagal ang iyong pag-asenso dahil maraming magagandang ideya na maglalabas-pasok sa iyong isipan, kaya malilito ka at hindi basta-bastang makakakilos. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-20-24-30-34-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka dahil sa pagkilos, ang mga negatibong kaisipan ay hindi nagtatagumpay. Gayundin, ‘pag kumikilos, ang buhay ay papaabante. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-28-30-31-35-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Isa lang ang tutukan mo sa maraming bagay na gusto mong gawin. Kapag ang mga kamay ay maraming hawak, marami rin ang nalalaglag. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-10-14-25-34-43.
CANCER (June 21-July 22) - Makikitang sobrang emosyunal ka ngayon at sa mga araw na darating. Kapag nahalata mo na nangyayari na ito, gumawa ka ng paraan para mabawasan ang pagiging emosyunal mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-17-25-26-36-44-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pansinin ang kahinaan ng iyong kapwa. Mas maganda na pagtuunan mo ng pansin ang magagandang katangian ng iyong kapwa. Ito ang solusyon para magkaroon ka ng masayang buhay. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-15-18-21-33-39-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumalabas na naman ngayon ang iyong pagiging negatibo. Pero may pag-asa pa para ito ay iyong matalo kung babalik-balikan mo ang magagandang nangyari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-12-24-33-35-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gagawa ka ng ikagagalit mo ngayon kaya mangyayari ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan mo at ng iyong karelasyon. Pero sa huli, gagawa ka rin ng paraan para kayo ay sumaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-29-30-31-36-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Napakalakas ng iyong pandama. Masasagap mo ang paparating na magagandang bagay at hindi kagandahang mga pangyayari. Nasa iyo na kung paano mo pakikinabangan ang kakayahan mong ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-16-24-27-33-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pahinga ang kailangan mo ngayon. Sa iyong pamamahinga, tsaka ka makakaisip ng mas magagandang paraan para mapabilis at mapagaan ang iyong kasalukuyang proyekto. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-25-34-40-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magpasya ngayon dahil kapag ang tao ay maramdamin, ang kanyang pasya ay hindi niya gaanong pinag-iisipan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-14-15-26-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Umiwas ka muna sa makulit at mapagpilit dahil may babala na mapapa-oo ka sa hindi mo naman talagang gustong gawin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-15-29-30-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lilitaw ang natatagong galing at husay mo. Marami ang matutuksong gawin kang bahagi ng kanilang buhay. Mag-ingat ka dahil marami sa kanila ay wala nang karapatang bumalik at makisawsaw pa sa iyong kasikatan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-15-16-23-34.




Comments