top of page
SPECIAL ARTICLE - JOSHUA, BINURA ANG MGA POST NA MAKA-VP SARA, IN-UNFOLLOW DIN SA IG PATI

Horoscope | Hulyo 19, 2026 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 days ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 19, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 19, 2026 (Linggo): Kabilang ka sa masusuwerte. Kaya kahit hindi ka magsumikap, gaganda pa rin ang iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kapag masaya ka, agad na dadapo sa iyo ang magagandang kapalaran. Kaya hindi makabubuti na magpatalo ka sa kalungkutan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-19-25-30-33-35.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lalago tulad ng munting binhi ang maliit na suwerteng mapapasaiyo. Ito na ang pagkakataong hinihintay mo kung saan abot-tanaw na ang pagyaman at ang malaking tagumpay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-20-26-34-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka mabibigo ngayon, bagkus labis kang sasaya dahil ang bunga ng iyong pagsusumikap ay mas marami kaysa sa iyong inaasahan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-15-23-27-31-43.


CANCER (June 21-July 22) - Kung saan ka madadalian, doon ka. Oo, hindi mo na kailangang mamuhunan pa ng pagod at hirap. Makaaasa ka na ang langit ay makikiisa sa mga kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-1-16-22-24-39-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kusa kang lalapitan ng mga suwerte kahit wala kang ginagawa. Noon pa nagpasya ang langit na ang araw na ito ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-13-21-28-32-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hahatulan ngayon ng langit ang mga humuhusga sa iyo. Mararanasan nila ang kaparusahan bilang paalala sa utos na huwag husgahan ang kapwa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-10-16-33-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mag-ingat ka! May ilang magtatangkang samantalahin ang kabaitan mo. Ang masamang motibo ay nagkukubli sa masayang kausap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-17-20-35-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi masama ang magtanong, ang mas masama ay ang magdunung-dunungan. Magtanong ka sa mga may alam upang ‘di ka mapahamak. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-15-23-28-34-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbabala ang iyong kapalaran na kapag lumabis ang tiwala mo sa iyong sarili, malaking pagkalugi ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-14-16-22-32-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aalalayan ka ng langit upang hindi ka gaanong mahirapan sa mga gawaing ngayon mo pa lamang mararanasan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-12-25-30-38-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gawin mo ang gusto mong gawin. Hindi makabubuti para sa iyo ang mag-alinlangan, na para bang natatakot kang kumilos nang malaya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-17-19-28-31-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo. Ituloy mo ang mga plano mo at makikita nila na hindi ka dapat kinokontra. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-26-36-39-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page