NCAA, hindi aatras para sa opening ng 96th season game
- BULGAR
- Mar 24, 2021
- 2 min read
ni VA - @Sports | March 24, 2021

Binabalak at desididong ituloy ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang pagdaraos ng kanilang 96th season sa pamamagitan ng pagsubok na magsagawa ng mga piling events na maaaring gawin sa gitna ng mga limitasyon dulot ng coronavirus pandemic.
Ang naunang planong magdaos ng closed-circuit format para sa 5-on-5 basketball tournament ay isina-isantabi muna nila ayon kay NCAA Management Committee head Fr. Victor Calvo, O.P. ng host Letran nang maging panauhin noong Martes sa lingguhang PSA forum webcast. "There was a proposal, but like any other league, we've done risk and costs analyses, and we decided that it was very risky and very costly, so we will not push for it," pahayag ni Calvo.
Nagkasundo ang NCAA at ang kanilang television partner na GMA-7 na magdaos ng apat na events para sa first semester na kinabibilangan ng online chess, taekwondo kasama ang poomsae, men's basketball at women's volleyball skills challenges at 3x3 basketball, kung alin ang papayagan ng mga kinauukulan. Nakatakda nilang simulan ang mga nasabing events sa unang linggo ng Mayo. Nakapaloob sa proposals ang mga events na ginawa sa NBA All-Star Weekend Skills Challenge gaya ng Three-Point Shootout at Slam Dunk Contest. Ayon pa kay Calvo, naisumite na nila ang nasabing plano sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, Department of Education at Commission on Higher Education. "Our legal department already sent a letter requesting a dialogue for a sort of talk with them in order how to do it," wika ni Calvo. Kaugnay naman ng pagbabakuna sa kanilang student-athletes at officials, nakipag-ugnayan na ang liga sa pamilya Campos, ang may-ari ng Emilio Aguinaldo College at ng pharmaceutical company na Unilab ang napaulat na distributor ng COVID-19 vaccine Covovax sa pribadong sektor.





Comments