top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Cool Smashers, nagkampeon, HD Spikers, bronze sa PVL

BULGAR
Aug 15, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 15, 2022



Nasungkit ng Creamline Cool Smashers ang kanilang back-to-back title nang walisin ang dayuhang Taipei King Whale sa bisa ng straight set sa 25-21, 25-19, 25-8 sa winner-take-all championship match ng 2022 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference sa MOA Arena sa Pasay City kagabi.


Ipinalasap ng Cool Smashers ang matitinding atake at ang malupit na floor at net defense para sa ika-limang kampeonato sa professional league upang mabawian ang King Whale sa unang paghaharap noong Biyernes sa fifth set.


Patuloy na pumutok para sa puntusan si back-to-back Conference MVP Diana Mae “Tots” Carlos sa kabuuang 14pts mula sa 12 atake, na sinuportahan ni Jema Galanza sa 13pts sa 11 atake, habang hinirang na Finals MVP si Celine Domingo dahil sa pambihirang depensa at opensa na nagrehistro ng 11pts mula 5 atake 4 blocks at 2 aces, habang nag-ambag ng 9 puntos si Alyssa Valdez. Tanging si Brazilian import Beatriz Flavio de Carlvaho ang naging matingkad na manlalaro sa King Whale sa 12pts mula sa 10 atake at 2 blocks.


Nagawang ilampaso ng Cool Smashers ang Taiwanese squad sa ikatlong set na ipinatikim ang biggest lead sa 15 puntos sa 20-5 sa hataw ng 24-anyos na dating University of the Philippines Lady Maroons opposite hitter, hanggang sa tapusin ni Valdez ng nagngangalit na hambalos.


Samantala, binuhat ni Rachel Anne Daquis ang Cignal HD Spikers na kunin ang isang come-from-behind victory laban sa PLDT High Speed Hitters sa 17-25, 20-25, 27-25, 25-22, 15-5 sa battle-for-third.


Bumuslo ang tinaguriang “Queen Tamaraw” ng kabuuang 16 puntos mula sa 13 atake, 2 blocks at 1 ace, kasama ang 14 excellent digs upang buhatin ang pilay na koponan na wala ang numero unong iskorer na si Ces Molina at middle blocker Ria Meneses dahil sa health and safety protocol.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page