top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Cool Smashers, inisahan agad ang HD Spikers sa PVL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 10, 2023
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports | February 10, 2023




Mga laro sa Sabado (Pebrero 11)

(Philsports Arena)

4:00 n.h. – Chery Tiggo Crossovers vs Army Black Mamba


BUHOS ang puwersang binitiwan ng back-to-back conference champion na Creamline Cool Smashers matapos walisin sa straight set ang Cignal HD Spikers sa bisa ng 25-16, 25-21, 25-15 sa maigsing elimination round ng 2023 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference, kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.


Tatlong manlalaro ang tumapos ng double-figures para sa Cool Smashers sa pangunguna ng beteranong si Michell Gumabao na tumapos ng 14 puntos at walong digs, habang kumamada ng halos parehong statistical numbers sina Jema Galanza at two-time conference MVP Tots Carlos sa 13pts at 7 excellent receptions, habangnag-ambag rin sina middle blockers Celine Domingo na mayroong siyam na puntos at Jeanette Panaga sa pito. Nagpatuloy naman sa impresibong pamamahagi ng bola si ace playmaker Julia Morado-De Guzman sa 25 excellent sets at depensa ni Kyla Atienza sa 20 digs.


Ginagawa lang namin yung best namin, hindi kami nagmamadali hangga’t maaari, relax lang kami at kung mag-eerrors, kailangan talaga naming itama agad and syempre ginagawa naman namin ito sa training lagi, so kailangan lang naming iapply sa game,” pahayag ni Galanza. “Kailangan ko lang maging consistent, madami rin akong errors, pero kailangan ko pang madagdagan ang leadership sa loob ng court at communication. Pero [sana] makuha ulit namin yung championship.”


Naging eksplosibo sa dalawang unang sets ang Cool Smashers na nagpakawala ng matinding atake sa pangunguna ni Gumabao na lumista agad ng 10 puntos. Bumanat ng 18 puntos mula sa atake ang Creamline sa first set kasama ang dalawang blocks at limang errors ng Cignal para ipamalas ang pambihirang pwersa sa opensiba kahit na wala ang kanilang kapitanang si Alyssa Valdez na patuloy na nagpapagaling sa knee injury.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page