top of page
Search
  • BULGAR

Contract ang isyu sa Greg-Standhardinger trade

ni MC - @Sports | March 7, 2021





Tumangging pumirma ni Christian Standhardinger sa kanyang kontrata sa NorthPort Batang Pier kaya napilitin ang koponan na i-trade ito sa Barangay Ginebra kapalit ng higanteng si Greg Slaughter.


Ito inilabas na rason sa statement ng NorthPort na nagtulak umano sa kanila para i-trade ang Fil-German sa GinKings. “Hindi pa pinipirmahan ni Standhardinger ang kanyang kontrata kaya napuwersa kaming i-trade siya,” ayon sa statement ng Batang Pier franchise.


Bukod sa inilabas na statement, hindi na nagsalita pa sina NorthPort Governor Eric Arejola at manager Bonnie Tan. Itinuring ng Batang Pier ang naganap na palitan bilang “good trade, beneficial to both teams,” sa kabila na ibinigay nila ang kanilang pinakamahusay na manlalaro sa loob ng dalawang conference kapalit ni Slaughter.


Ayon pa sa NorthPort, excited silang makasama ang 7-foot na si Slaughter at baka ito na ang “missing piece ng puzzle” para sa kanilang layuning manalasa sa PBA. “The team is thrilled to have him in the team knowing he worked hard in the US to polish his game,” ayon sa statement ng team.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page