Construction worker tinamaan ng kidlat, dedbol

by Mervin Reyes @News | October 11, 2026

Photo: File
Nasawi ang isang 51-anyos na construction worker matapos tamaan ng kidlat habang nagtatrabaho sa isang tambakan sa Brgy. Bokong, Labangan, Zamboanga del Sur, nitong Biyernes ng hapon, Oktubre 9.
Kinilala ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang biktima na si Dominador Labora, ng Purok Santan, Upper Pulacan, Labangan.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Labangan Municipal Police Station, alas-3 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Purok 7, malapit sa National Irrigation Administration (NIA) Dam.
Kasama ni Labora ang tatlo niyang katrabaho nang bigla siyang tamaan ng kidlat at magtamo ng malubhang pinsala.





Comments