ni Eli San Miguel @Overseas News | Oct. 9, 2024
Gumagalaw ang Hurricane Milton papunta sa Gulf Coast ng Florida bilang isang Category 5 na bagyo, na nagdudulot ng matinding pagsikip ng trapiko at kakulangan sa gasolina habang higit sa 1 milyong tao ang inudyukan na lumikas bago ito tumama sa Tampa Bay area.
Lumakas ang Milton noong Lunes at naging isa sa pinakamalakas na hurricane sa Atlantic at inaasahang tatama sa lupa sa huling bahagi ng Miyerkules o maagang bahagi ng Huwebes, na nagbabanta sa kanlurang baybayin ng Florida, na kasalukuyang bumabangon mula sa Hurricane Helene na tumama halos dalawang linggo na ang nakalipas.
Magiging kauna-unahang pagkakataon mula pa noong 1921 ang direktang pagtama sa bay, na ngayo'y tahanan ng higit sa 3 milyong tao. Nitong Martes, inihayag ng US National Hurricane Center na ang Milton ay naitaas muli sa Category 5 hurricane, ang pinakamataas na antas sa Saffir-Simpson scale.