Construction worker, tiklo sa droga

ni Maeng Santos @News | November 18, 2026

Photo: File
Isang 45-anyos na construction worker na wanted sa kaso ng illegal na droga ang arestado sa manhunt operation sa Valenzuela City.
Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District Director P/BGen. Benliner Capili, ala-1 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang akusado sa Brgy. Paso De Blas.
Sinimulang tugisin ng pulisya ang akusado nang mag-isyu ng arrest warrant ang Regional Trial Court, Branch 282, Valenzuela City, noong November 9, 2026, para sa paglabag sa Section 11, Article II ng R.A 9165.
Hindi na nakapalag ang akusado nang makorner ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela Police at bitbitin sa bisa ng nasabing warrant.





Comments