top of page
Pokwang.jpg

Confirmed na, Julia!... JANE, PALIT KAY YASSI BILANG LEADING LADY NI COCO

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2020
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 27, 2020




Si Jane de Leon pala ang tinutukoy sa blind item na bagong papasok sa FPJ’s Ang Probinsyano at papalitan ang dating leading lady. Balita kasing aalis na si Yassi Pressman sa nasabing longest-running drama series on Philippine television na pinagbibidahan ni Coco Martin.


Last Wednesday, finally ay na-meet na ni Coco sa set ang kanyang bagong leading lady. Ipinost ng B617 Management ang video ng pagkikita ng dalawa kung saan ay makikitang mainit na tinatanggap ng aktor si Jane.


Gagampanan ni Jane sa FPJAP ang role na Police Captain Natalia Mante at dito magagamit ng newbie actress ang mga trainings na isinagawa niya para sa Darna series.


Dito rin makikita kung talagang may “K” siyang maging Darna at for sure ay aabangan ang kanyang mga action scenes.


Sigurado namang ikalulungkot ng mga fans ng CocoYass team-up ang balitang aalis na si Yassi sa show. Balita kasing magiging super busy ang aktres sa 2021 dahil sa mga projects na gagawin nito sa Viva.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page