top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Concert,' di na bumebenta… JAMES, NALAOS NANG IWAN NI NADINE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 31, 2023




Kanselado na nga ang concert tour ni James Reid sa North America due to health reasons.


Mala-Justin Bieber ang peg ni James na nadidiskaril ngayon ang kalusugan. Hindi siya physically fit para mag-perform sa concert.


Dapat ay agapan ni James at ipa-check-up ang sarili bago pa tuluyang lumala ang kanyang karamdaman. Maaaring may malalim na dahilan kung bakit apektado ang kanyang kalusugan.


Malaking hamon kay James na makagawa ng pangalan abroad matapos niyang iwan-bitawan ang kanyang career sa 'Pinas at ang love team nila ni Nadine Lustre. Lalo na sa panahon ngayon na mahirap maka-penetrate sa ibang bansa ang isang local artist na hindi pa nga gaanong sikat.


Sa dami ng mga good looking at talented na artista ngayon, iilan lang sa kanila ang nabibigyan ng break at sinusuwerte na makilala sa showbiz. Kailangan ngayon ni James Reid na i-reinvent ang kanyang sarili upang muling uminit ang kanyang career.


Sa aminin man o hindi ni James, nawalan na ng init ang kanyang career nang mabuwag ang JaDine love team.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page