top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M

Concepcion, pinuri ang pamahalaan sa pagpayag ng shorter quarantine para sa mga bakunado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 10, 2021
  • 2 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | October 10, 2021




Hello, Bulgarians! Nagpahayag ng pasasalamat si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa pamahalaan para sa pakikinig sa panawagan ng business sector na i-relaks ang kanilang health protocol para sa mga manlalakbay, lalo na para sa fully vaccinated, na nagsasabing malaki ang maitutulong nito sa pagpapabilis ng aktibidad sa ekonomiya sa huling quarter ng 2021.


“I am thankful that the government listened to our repeated calls to relax the guidelines for the fully vaccinated. With the shorter quarantine, many will be encouraged to fly, engage in economic activities and most importantly reunite with families with lesser costs in mind,” pahayag ni Concepcion.


“This is a great Christmas gift for Filipino families. We have lost so much lives this pandemic. Now, our balikbayans can spend time with their families. They can celebrate together with extra money to spend from the hotel quarantine savings,” dagdag pa niya.


Ang Inter-Agency Task Force (IATF) ay naglabas ng mga bagong quarantine protocol para sa mga dumarating na pasahero. Sinimulan noong Oktubre 8, ang lahat ng fully vaccinated na mga manlalakbay mula sa mga "berde" at "Dilaw" na mga bansa ay dadaan sa pagsusuri, sa ika-5 araw pagkatapos ng pagdating at makakauwi matapos na makuha ang negatibong resulta ng RT-PCR. Kinakailangan nilang ipagpatuloy ang kanilang quarantine sa bahay para sa karagdagang 5-araw.


Para sa mga hindi nabakunahang turista, susuriin sila sa ika-7 araw at kung negatibo, maaari nilang ipagpatuloy ang quarantine sa bahay. Gayunman, kailangan nilang manatili sa bahay para sa karagdagang pitong araw na kinakailangan para sa kabuuang 14 araw quarantine.


“This is another win for us and the airline companies like Philippine Airlines, Cebu Pacific and Air Asia who will benefit from this new development. Their industry has been badly hit and this is a way to help them recover”, binigyang-diin ni Concepcion.


Matatandaang, namuno si Concepcion ng talakayan sa iba't ibang stakeholder ng industriya ng airline at kasama rito si Dr. Edsel Salvaña na isa sa mga tagapayo ng IATF. Sa pagpupulong na iyon, tinalakay ang panukalang alisin ang RT-PCR test para sa domestic na paglalakbay at 5-araw na quarantine para sa mga internasyunal na manlalakbay.


Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagtulak para sa mas maikling panahon ng quarantine para sa mga papasok na manlalakbay na fully vaccinated upang mapagaan ang pasanin sa mataas na gastos sa mga hotel. Nais ni Duterte na ang kasalukuyang 10 hanggang 14-araw na quarantine period ay maging hanggang pitong araw lamang.


Sa isang memorandum, sinabi ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia na ang medical certificate na inisyu sa loob ng 24-oras bago dumating ang mga turista ay indikasyon na walang sintomas ng virus at sapat na upang payagan silang pumasok sa lalawigan.


Simula Nobyembre 15, ang lokal na pamahalaan ng Coron, Palawan, ay magsisimula nang tumanggap ng mga bakunadong turista galling sa labas ng Palawan sa pamamagitan ng point-to-point (P2P) bubble tourism policy.


Mahigit sa 1,000 mga may-ari ng negosyo at prangkisa ang nagpahayag ng suporta sa mungkahi ni Concepcion, na nananawagan sa gobyerno na tuklasin ang posibilidad na magbigay ng mga insentibo, kasama na ang pagpapadali ng mga alituntunin, upang ganap na mabakunahan ang mga tao.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page