top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Concepcion, hinimok ang LGUs na mag-vaccinate kahit 70% ng mga citizens upang maiwasan ang lockdown

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 19, 2021
2 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | August 19, 2021



Hello, Bulgarians! Sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion na kailangang layunin ng local government units (LGUs) na mabakunahan ang 70 hanggang 80 porsiyento ng mamamayan kung nais nilang maiwasan ang mga lockdown sa hinaharap.


“When we talk of allowing only the vaccinated to enter public places like malls and restaurants, we can only do this in an LGU once we have achieved the target of getting 70 to 80 percent vaccinations in that LGU,” kanyang pahayag.


Idinagdag pa niya na ang hindi nabakunahan ay maaaring maprotektahan sa pamamagitan ng paglilimita sa kanilang paggalaw mula sa kanilang tahanan patungo sa kanilang mga lugar ng trabaho at vice-versa.


Sinabi ni Concepcion na ang paglikha ng bubbles para sa mga taong buong nabakunahan ay magbibigay-daan sa ilang mga lugar na walang lockdown, sa gayun ay magbibigay ng pagkakataon para makabawi sa negosyo.


Sa pagtaas ng bilang ng mga pagbabakuna sa NCR at sa buong bansa, ang bilang ng bubbles na ito ay maaaring madagdagan at kalaunan ay maging daan ng bansa na magkaroon ng sapat na mga lugar na walang lockdown.


“We should not be short-sighted in our approach,” saad nya. “Whatever action we take should be toward moving to allowing an environment to be lockdown-free. We should aim for a future that is lockdown-free for the whole country.”


Idinagdag pa niya na kailangan nating matuto mula sa kung ano ang ginagawa ng ibang bansa upang maprotektahan ang mga hindi nabakunahan.


Ang malalaking lungsod sa ibang bansa ay sumusubok ng mga kaparehong diskarte, tulad ng sa New York City, kung saan ang mga pagbabakuna ay ginagawang pagtitipon upang hikayatin ang pagtaas na pagbabakuna. Sa Indonesia, na dumanas ng isa sa pinakapangit na pagsiklab ng COVID-19, ang ilang malls ay muling nagbukas, ngunit para lamang sa mga nabakunahan na customer.


Sinabi ni Concepcion na ang desisyon kung saang komunidad ipapatupad ang quarantine sa iba’t ibang rehiyon ng bansa ay dapat gabayan ng data, partikular ang bilang ng pang-araw-araw na naitalang kaso ng COVID-19 at hospital utilization rates. Ang mga hakbang na ito ay dapat ding gawin upang maprotektahan ang mga hindi nabakunahan.


Sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director-General Eric Domingo sa mga ulat na ang mga hindi nabakunahang indibidwal ay may mas mataas na peligro na magkasakit mula sa COVID-19 at maaaring mamatay pa kumpara sa mga nabakunahan.


Sumang-ayon din si Sec. Galvez na ang pagbabakuna sa mga bata ay mahalaga upang sila ay maging ligtas sa muling pagbukas ng ekonomiya. Inaprubahan naman ng Switzerland ang paggamit ng Moderna COVID-19 vaccines para magamit sa mga batang 12 hanggang 17 taong gulang.


“We have locked down three times already. Nobody likes lockdowns. With the efforts of the private sector, LGUs and IATF-EID, our massive vaccination drive will put an end to lockdown,” pahayag ni Concepcion.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page